369

Jan 6, 2020 @ 16:06
By

Flop! Pasabog ni VP Leni sa drug war, kinantiyawan ng Malacañang

Taliwas sa inaasahang malaking pasabog, inihalintulad ng Malacañang sa “kuwitis” ang pasabog ni Vice President Leni Robredo patungkol sa natuklasan nito sa anti-drug campaign ng gobyerno sa loob ng 18 araw na pagiging drug czar.

Kasunod ito ng naging pahayag ng Bise Presidente na bigo ang anti-drug campaign ng Duterte administration dahil maraming loopholes at hindi umano magtugma ang record na hinihingi nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kung mayroon mang nabigo, ito ay ang mismong Bise Presidente nang umupo ito bilang drug czar.

Ipinaalala ni Panelo kay Robredo na kung bigo ang gobyerno sa war on drugs ay nasira na sana ang lahat ng pamilyang Pilipino.

“Palagay ko ‘yung failure ‘yung pag-upo niya. Eh kung failure ‘yun, hindi sana ‘yung problema natin sa droga inabot na siguro ang lahat ng pamilya,” ani Panelo.

Nakita naman aniya ng publiko ang mga sinalakay at winasak na mga shabu laboratory at ang libo-libong drug addicts at pushers na sumuko matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang war on drugs.

“The fact remains that we have dismantled so many illegal drug factories. The fact remains that we have also cause the surrender of thousands of drug addicts and pushers. The fact remains that due to many police operations there have been casualties by reason of violent reactions to entrapment operations and arrest of these people involved in drugs and also even high value target drug suspects have been neutralized,” dagdag pa ni Panelo.

Mistulang kinantiyawan pa ni Panelo ang Pangalawang Pangulo dahil noong nagbabanta itong may pasasabuging malaki patungkol sa drug campaign ay tila bomba ang sasabihin pero wala naman pala.

“When she was threatening this report, she implied na meron siyang mga nadiskubreng iregularidad na akala mo bombang sasabog, eh it’s a dud. Wala naman siyang sinabi doon na bago na hindi tinutukan ng mga ahensiya na involved sa droga. There’s nothing new in what she said,” dagdag pa ni Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na mas maraming impormasyong hawak si Pangulong Duterte kaysa kay VP Leni dahil marami itong pinagkukunan kumpara sa kanya na nakaupo lamang sa opisina pero kung makapagsalita ay tila alam lahat ang tungkol sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

“Siguro wala siyang figures na pinanghahawakan, si Presidente meron. Si Presidente being the President have unlimited resources. Eh si VP Leni hanggang doon lang sa opisina niya nakaupo ng ilang araw, eh naging magaling at naging eksperto,” wika pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?