65

By

Fish kill sa Isabela dulot ng El Niño

P200,000 halaga ng posibleng kitain ang nawala sa tilapia fishpond owners dahil sa fish kill na naganap sa Ilagan City at sa tatlo pang bayan sa Isabela.

Ayon kay Angelo Naui, Isabela Provincial Agriculturist, nakatatanggap umano sila ng mga report na ang matinding init dulot ng El Niño ay nakaapekto sa 1.15 ektaryang fish ponds sa Ilagan City, at sa mga bayan ng Cabagan, Cordon, at Quirino.

“We hope that the losses will be minimal for the fish cage and fish pond operators,” saad ni Naui.

“The hot weather and low water level, both in fishpond and fish cage areas, speed up the decomposition process of organic matter and facilitate the release of harmful gases trapped in the pond or river bottom,” saad ni Emerson Tattao, aquaculturist ng Bureau of Fisheries and Aquativ Resources-Cagayan Valley nang ipinaliwanag nito ang dahilan ng fish kill.

“The high temperature followed by sudden downpour in the afternoon also causes a highly stressful condition which can lead to mortality. The same can also cause an ‘overturn’ — a condition wherein cool and dense water rush to the bottom ,causing poorly oxygenated and turbid water to rise, causing instant death on stocks,” dagdag pa niya.

Saad ni Leonarda Oblarte, pinangangambahan umano nila na magpatuloy ang fish kill kung magpapatuloy din ang matinding tagtuyot.

“We had been penniless and mired in loans due to our expenses in our fish cages. We pray that it will not last long,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?