543

Feb 20, 2020 @ 21:28
By

First time! Vic Sotto bumisita sa Senado

Pinaligaya ni comedian at noontime show host Vic Sotto ang mga empleyado ng Senado.

Sa unang pagkakataon ay bumisita ito para kay Senate President Tito Sotto.

Sa Facebook post ng Senate photographer na si Louie Sauro Millang, makikita si Vic na masayang pinaunlakan ang mga gustong magpalitrato sa kanyang mga empleyado.

Nakipagkuwentuhan din siya at nakipagtawanan sa ilang senador gaya ni Sen. Joel Villanueva.

Kasama ni Vic na bumisita sa Senado ang kapatid nilang si Maru Sotto.

Ani Millang, first time itong nangyari sa loob ng 22 taong career ni Tito Sotto bilang senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?