42

By

Finals MVP si Japeth – netizen

Pinuri ng mga netizen ang all-around game ni Japeth Aguilar para tulungan ang Ginebra sa 92-84 tagumpay kontra Meralco sa Game 3 ng best-of-seven finals sa PBA Governors Cup nitong Linggo.

Umararo ang 6-foot-9 forward ng 23 points, 5 rebounds at 7 blocks upang tulungan ang Gin Kings na umanga sa serye 2-1.

Ilan sa mga fan ang nagsabing dapat maging Finals MVP si Aguilar.

Sabi ni @jess_bernas, “mukhang si Japeth Aguilar na yung finals MVP,” samantalang tweet naman ni @JayZee, “defense is the key, Japeth 7 blocks, FINALS MVP”

Pahabol ni @adrianotrixie28, “Japeth aguilar will always be japeth aguilar 23 points 7blks.”

Bilib din si @ALSxxxx, “ang lakas mo Japeth Aguilar!! #TibayNgNEVERSAYDIE.”

Kasalukuyang may 583 career total blocks si Japeth kung saan nalampasan na niya ang record nina Alvin Patrimonio (576), Abe King (580 blocks) at Poch Juinio (582).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?