103

By

Fil-Am Troy Rike pinagdiskitahan ng Immigration, hinuli pagtapos ng laro

Ibinahagi ng National University player na si Troy Rike ang kakaibang karanasan nang siya’y hulihin at idetine ng abot 1 araw ng Bureau of Immigration (BI).

Sa kanyang interbyu sa Sportsdesk ng CNN Philippines, sinaad ng Gilas cadet na pagtapos ng laban ng NU Bulldogs sa La Salle noong Miyerkoles, Setyembre 22, ilang BI agent umano ang sinama siya sa kanilang himpilan upang kuwestiyunin ang kanyang citizenship.

“It was tough, I’m not gonna lie. I was a bit emotional. I’ve never been arrested before,” saad ni Rike.

Ang naging sentro ng diskusyon, ang ginamit na American passport para makapasok ang manlalaro sa Pilipinas at ngayon ay naglalaro pa para sa UAAP.

“The argument was I entered with an American passport, which I did, and then, I’m studying. (They said), ‘He’s an American.’ How could he study if he didn’t get our approval?'” pag-alala ni Rike.

Nanatili umano ang 6-foot-7 forward ng lampas 24 oras, Huwebes ng hapon na nakaalis sa BI matapos makumpleto ng kanyang mga abugado ang dokumento.

“I don’t think, at least in my mind, that they just went and arrested that person. They could have sent me an email, a letter, or anything. I would’ve showed up on a legal hearing. There is a bunch of other ways that, I think, could’ve been resulted way better.”

“I was detained against my will for over 24 hours. I slept on the floor, I don’t know what was going on. I had to be escorted on the way to the bathroom and on the way back, the guard asked to have a selfie with me. I guess there was some funny moments, but overall, it was a really crazy argument,” pakli ng NU stalwart.

Gayunpaman, wala naman umanong planong magsampa ng reklamo ang player dahil naging maayos naman ang pakikitungo ng mga agent na humawak sa kanyang kaso.

Ngunit hindi naman mapigilan ng dating Wake Forest player na mag-isip kung may nakatagong motibo sa biglaang paghuli sa kanya.

“I think there are people who don’t want me to play or have selfish interests, whatever that may be. At least, that’s my understanding because everything I’ve been told, it’s just common sense. This just doesn’t happen to people,” pagtatapos ni Rike.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?