83

By

Fil-Am skier Wahleithner pasok sa Winter Olympics

Walang matatarik na bundok ng yelo sa Pilipinas subalit isang Pilipinang skier ang nagawang makatuntong sa gaganapin na Lausanne Winter Youth Olympics sa Enero 2020.

Kinumpirma mismo ng Philippine Ski Federation ang pagkakakuwalipika ng Fil-American na si Ana Wahleithner sa kada apat na taong torneo at maging pinakaunang babaeng Winter Youth Olympian.

“It’s confirmed! Philippines is going to Lausanne Winter Youth Olympics in January 2020. And Ana will be the PHI 1st female winter youth Olympian,” pahayag ng PSF.

Ang 15-anyos na si Wahleithner ay nag-aral ng skiing at second year high school sa Sugar Bowl Ski Area sa Tahoe City, California, United States at naging unang pinakabatang Filipina Alpine Skier.

Bitbit nito ang Sugar Bowl Ski Team sa Norden na nasa California Tahoe area sa nakalipas na anim na taon.

Huling sumabak si Wahleithner sa Junior World Championships sa Trentino, Italy noong Pebrero 20, 2019 kung saan tumapos ito sa Ladies Slalom sa ika-49th puwesto mula sa sumaling 102 kalahok at sa Ladies Giant Slalom na ika-75th silya sa lumahok na 117 partisipante noong Pebrero 19, 2019.

“Honored and excited to represent the Philippines🇭. Thank you to the Philippine Ski Federation and the Philippine Olympic Committee. An honor to represent the Philippines.. Thank you PSF, POC, Sugar Bowl Ski Academy and my family, Dad, Mom, and my sister Katharyn,” sabi ni Wahleithner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?