37

Fil-Am na pedophile natagpuan sa Tuguegarao

Nahuli sa Tuguegarao City ang 48-anyos na Filipino-American na wanted sa Amerika dahil sa pangmomolestiya ng mga bata.

May standing warrant si Alvin Tan na inisyu ng second judicial court sa Nevada noong Nobyembre 25, 2008, ayon kay Tuguegarao Police Chief Lt. Col. George Cablarda sa isang ulat.

Dinala na ang Fil-Am na suspek sa Bureau of Immigration jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?