110

By

Fil-Am na anak ni Terrence Jones, ihahanda na para sa Gilas

May kalalagyan na ang anak ng TNT super import na si Terrence Jones sakaling gustuhin nitong sundan ang yapak ng tatay at maglaro din ng basketball.

Dinala ni Jones sa Pilipinas ang kanyang anak para makita nito ang kultura ng kanyang ina na may lahing Pinoy.

Saad ni Jones, na napipisil na maging Best Import sa 2019 PBA Commissioner’s Cup, hindi makatulog ang kanyang anak dahil excited sa pagbisita sa bansa.

Saad ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, kanila nang nilalakad ang papel ni Ajani at magsisimula ito sa pagkuha ng Philippine passport bago mag-16.

“Yes, we will work on it,” ayon kay Panlilio.

Nais din naman umano ni Jones ang nasabing offer ng Gilas, at tinitingnan na ang posibilidad na maisakatuparan ito.

“He’s just happy to be here, to be in a different environment, and learn and I’m excited for him,” saad ni Jones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?