43

May 24, 2019 @ 16:17
By

Fil-Am Munzon, Statham pasok sa Fiba 3×3 Top 100

Napasama ang pangalan nina Joshua Munzon at Taylor Statham sa top 100 players ng Fiba 3×3 matapos sumalang sa 2019 Fiba 3×3 Huaqiao International Kunshan Challenger sa China.

Hawak ni Munzon ang 93rd spot sa 374,440 points habang mayroon namang 372,360 points si Statham na puwesto sa 95th.

Nag-average si Munzon ng 8.0 points per outing, 6.0 points naman para kay Statham.

“We lost to the better teams in Kunshan. But it’s a learning experience for our players,” ayon kay Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascarinas.

Bagama’t bigo, umangat pa rin ang ‘Pinas sa world rankings ng 3×3, ang Pasig team ay nasa ika-24th spot na mula 27th.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?