28
Fil-Am ilustrador sa libro ng anak ni Bob Marley
By

Fil-Am illustrator sa libro ng anak ni Bob Marley

Dalawang taong trinabaho ni Filipino-American artist-professor John Jay Cabuay ang illustration sa isang librong pambata ng anak ni Jamaican singer-songwriter Bob Marley na si Cedella.

Kahit busy mag-aral noon si Cabuay sa kanyang master’s program sa Fashion Institute of Technology, tinanggap niya agad ang alok ni Cedella, na pinaabot kay Jay ng kanyang ahente.

Ang libro na para sa edad 3 hanggang 5 ay hango sa liriko ng kantang “Get Up, Stand Up” ng tatay ni Cedella. Tungkol ito sa pagtindig ng kabataan para sa kanilang mga paniniwala, maging para sa ibang tao.

Ayon sa Amazon, ikatlong book adaptation na ito ng mga kanta ng hit reggae singer.

Nailabas ang libro nitong Setyembre 10, 2019 at nagkakahalagang $15.29 o higit P740.

Ayon sa Inquirer.net, nagsimulang manirahan si Cabuay sa Amerika noong 12-anyos siya. Mula New Jersey, lumipat siya ng New York at doon nakapagtapos mula high school hanggang master’s degree sa Fine Arts in Illustration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?