32

By

Fil-Am, bagong college president sa California

Itinalagang bagong presidente ng San José City College sa California ang isang Filipino-American.

Si Dr. Rowena M. Tomaneng ang kasalukuyang presidente ng Berkeley City College (BCC) at halos may 25 taon nang guro sa California Community College System.

Sa naging panunungkulan ni Tomaneng sa BCC, mas pinahusay niya ang Undocumented Community Resource Center at Learning Communities ng eskuwelahan para sa mga low income at first-generation students of color.

Nakapagtapos si Tomaneng ng bachelor’s degree in English sa University of California, Irvine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?