163

Feb 16, 2020 @ 15:31
By

‘Fierce’ version ng Tala, sinayaw ni Sarah G

Kung akala niyo’y tapos na ang ‘Tala’ dance craze, mali ang inyong tingin dahil hindi magsasawa si Popstar Sarah Geronimo na magdagdag ng bago sa kanyang hit song.

Sa ‘Unified’ concert ni Sarah G kasama si ‘Asia’s Songbird’ Regine Velasquez nitong Valentine’s Day sa Smart Araneta Coliseum, muling pinerform ng una ang ‘Tala’, na sumikat muli buhat nang i-release niya ito noong 2015.

Kakaiba ang opening ng Tala ni Sarah sa concert, nakasuot siya ng pulang kapa, at kitang iba ang atake ng kanta na may matching drum beat.

May bagong dance break din na pinamalas si Sarah G na kinaaliwan ng madla.

Ang video ay binahagi ng Viva Entertainment na mapapanood sa kanilang Facebook page.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?