62

FEU tinanghal na Golden Kubeta ng 2019

Nagwagi ngayong 2019 ang kubeta ng Far Eastern University (FEU) sa Golden Kubeta Awards ng Maynilad Water Services Inc..

Natalo nito ang iba pang kubeta sa iba’t ibang paaralan at nasungkit ang People’s Choice Award matapos umani ang kanilang photo entry nang higit 10,000 reactions sa Facebook.

Bukod sa FEU, wagi rin ang Parañaque Integrated Terminal Exchange toilet sa terminal and station category, ang National Museum of Natural History sa government office category, at ang Xentro Mall Polangui sa mall and restaurant category.

Noong 2018, ang Xentro Mall Antipolo ang nag-uwi ng Golden Kubeta Awards at tumalo sa 13 iba pang kalahok na banyo.

Ang Golden Kubeta Awards ay isang kampanya ng Maynilad para i-promote ang maayos na waste water management. Far Eastern University (FEU) has the best and the brightest “kubeta” in the Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?