96
fetus
By

Fetus nilantakan ng mga daga sa basurahan

Kahabag-habag ang itsura ng isang babaeng fetus na tinatayang nasa anim hanggang pitong buwan nang matagpuan ng isang basurero na nilalantakan ng mga daga at ipis sa basurahan sa Quezon City, Linggo ng umaga.

Ayon kay P/Capt. Juan B. Mortel ng Criminal Investigation and Detection ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-6:30 ng umaga (November 17) nang matagpuan ang nasabing fetus sa basurahan sa Green Meadows Ave., Brgy. Ugong Norte, QC.

Nangunguha umano ng basura si Elmer Pareno nang mapansin nito ang duguang fetus habang nilalantakan ng mga daga kaya agad niyang ini-report sa mga barangay official sa nasabing lugar.

Agad namang tinawag ng mga barangay official sa awtoridad ang pagkakatagpo sa nasabing fetus at ayon sa mga rumespondeng SOCO team, pansamantala nilang nilagak sa Light Funeral Services ang nasabing fetus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?