55

By

‘Feeling ko gusto niya’: Duterte pumatay para kay Arroyo

Puring-puri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating Presidente at outgoing House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pa-dinner nito, Martes ng gabi.

Ayon kay Duterte, bilib siya sa strong-willed leadership at pagiging desidido pagdating sa pamamahala ni Arroyo.

“Bilib ako sa iyo, ma’am, kasi you might want to know that even when I was mayor and for the years that President Arroyo was there, I was really working for her,” ayon kay Digong.

Bago matapos ang gabi, hindi naman nakaligtas sa biro ni Duterte ang dating Pangulo.

“Of course, wala akong pinatay na tao na utos niya. Pinatay ko na lang kasi feeling ko gusto niya,” ayon kay Duterte na nagpatawa sa mga dumalo.

Si Duterte ay naging anti-crime adviser ni Gloria noong Pangulo pa ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?