1,246

By

Feeling Cardo! Ang Probinsyano Rep. Delos Santos, binanatan ng mga netizen

Hindi pa man umano nakakaupo, maangas na ang dating ni Ang Probinsyano first nominee Alfred Delos Santos nang kumalat ang video nito na nanapak ng isang service crew sa isang restaurant sa Legazpi City, Albay.

Lumabas ang blotter report ng isang nagngangalang Christian Kent Alejo, 20, residente ng Legazpi City, na nagreklamo sa pananapak sa kanya ni Delos Santos sa Bigs Diner.

Paliwanag ni Alejo, nalalabuan pa din siya kung bakit siya sinuntok siya ni delos Santos na nangangamoy ng alak umano noong mangayari ang insidente.

Inaayos lang umano ni Alejano ang placemat sa mesa ng pinupwestohan ng kongresista at iba pa nitong kasamahan sa loob ng nasabing restaurant ng pingsabihan siya ni delos Santos na masama umano siya kung maka-tingin.

“Nata maraoton ka makailing (Bakit ang sama mong makatingin),” ang sabi ng kongresista kay Alejo sa wikang Bicolano.

Tinawag, aniya siya ni delos Santos, at ng bumalik sa may mesa ng kongresista, sabay inumbahan siya ng sinuntok.

Sa social media, binanatan ng mga netizen si Delos Santos dahil sa pagsapak nito sa waiter.

“Yan lumabas na ang ka inutila nya taga plano ng batas tapos di alam ang batas paano.e apply sa buhay nya naging tanga na. Kala mo kung cno igapos na yn at ipagulpi sa mga tauhan ng restu para malaman nya,” ayon kay Alexander Zembabue.

“Iho paalala lang priviledge ang pagiging representante hindi yan karapatan. Dapat hindi ka binibigyan ng kahit anong pwesto kahit janitor gago!” giit ni JVee Oraza.

“Feeling cardo si cong,” sey naman ni Dexter Pabebedog.

“Kung ako lang ang sinuntok mo ay nko yari ka rip,” banta ni Leonardo Tiempo Balaba.

Ayon naman kay ex-Magdalo member Ashley Acedillo, kumukulo ang dugo niya sa ginawa ni Delos Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?