22

By

Federer luhod ulit kay Thiem

Tuloy ang paninilat ni Dominic Thiem kay Roger Federer.

Tinalo ni Thiem ang Swiss star 7-5, 7-5 nitong Linggo sa opening match ng ATP Finals sa London.

Panlimang panalo na ‘yun ni Thiem kay Federer sa pitong matches, pangatlong sunod ngayong taon.

“To beat him, everything has to fit together. Today I think (that) was the case again,” bulalas ni Thiem. “Every time, only playing against him is a big honor. Beating him is even better.”

Nasilat din ni Thiem si Federer sa Madrid Masters at sa Indian Wells final ngayong taon, pero pinayuko siya ng Swiss sa group stage ng ATP Finals noong isang taon.

Natalo sa opener, hindi na puwedeng madiskaril pa si Federer sa next two round-robing matches – laban kina Novak Djokovic at Matteo Berrettini. Malamang, kailangan niyang talunin ang dalawa para umabante sa semifinals.

Madaling nilaktawan ni Djokovic si Berrettini 6-2, 6-1.

Nasa kabilang grupo ng event para sa world top eight players sina Rafael Nadal, defending champion Alexander Zverev, Stefanos Tsitsipas at Daniil Medvedev.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?