305
Federer hindi umubra kay Thiem sa Paribas
By

Federer hindi umubra kay Thiem sa Paribas

Tagumpay na nasungkit ni Austrian netter Dominic Thiem ang kanyang unang ATP Masters 1000 trophy nang magkampeon sa BNP Paribas Indian Wells Open 2019 matapos talunin si Swiss legend Roger Federer Lunes ng umaga (Manila time).

Tinalo ni 25-year-old Thiem si Federer 3-6, 6-3, 7-5 sa mahigit na dalawang oras na laban.

“It’s unreal, it’s a pleasure to compete against Roger in this great final. I lost my last two Masters 1000 finals, but I won this one and it feels as nice as a Grand Slam,” kwento ni Thiem.

“It was a great week and I think also a very good final today. Just amazing that I got here, my first really big title. I came from a really bad form in all categories and now I’m the champion of Indian Wells. It feels not real at all,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?