13

Mar 25, 2020 @ 11:02
By

FDA nagbabala sa paggamit ng surgical gown

Nagbabala ang pamunuan ng Food Drug Administration (FDA) sa mga health care professionals at mga establisimiyento sa paggamit at pagbebenta ng non-reinforced surgical gown na gawa ng cardinal health.

Ito ay matapos na boluntaryo itong ipa-recall ng cardinal health makaraang madiskubreng hindi ito rehistrado sa US FDA at hindi dumaan sa tamang standard.

Dahil dito, hindi masisiguro na dumaan sa tamang sanitation ang naturang produkto na maaaring maglagay sa alanganin o magdulot ng panganib sa mga gagamit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?