76

Mar 26, 2020 @ 16:27
By

Fashion designer Leyva, Angel Locsin namigay ng mga PPE

Namahagi na sina fashion designer Michael Leyva at Angel Locsin ng unang batch ng personal protective equipment (PPE) para sa mga health worker at frontliner.

Nagpatulong si Leyva sa aktres para matulungan ang mga medical worker na siyang nakikipaglaban sa coronavirus disease sa bansa.

Kamakailan nang naging abala si Leyva sa paggawa ng mga hazmat suit, masks at iba pang PPE para i-donate sa mga ospital.

Nitong March 26 ay nag-share siya ng litrato sa Instagram kasama si Locsin at mga bag ng ipamimigay na mga PPE.

Mapapansin na kada bag ay may nakasulat na Bible verse sa harapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?