153

By

Fan ban sa laro ng NY Knicks matapos sigawan ang team owner

Tanging sa telebisyon na lang makakanood ang isang fan matapos marinig ng New York Knicks team owner ang sinigaw nito.

Matapos ang talo ng Knicks kontra Sacramento Kings, 102-94, papunta ng dugout si businessman James Dolan.

At isang fan ang tahasang humirit ng: “Sell the team!”

Dahil dito, sinabihan ni Dolan ang fan na sa telebisyon na lang ito makakanood ng mga susunod na laro at ban na ito sa venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?