458
False assumption! Jimmy pumalag sa akusasyon ni Angel
By

False assumption! Jimmy pumalag sa akusasyon ni Angel

Sinagot ni singer Jimmy Bondoc ang reaksyon ni Kapamilya actress Angel Locsin sa kaniyang mga patama sa isang TV network.

Alegasyon ni Bondoc, nakabase umano ang success ng isang TV network sa politika at mga sexual favor at nasasabik na umano siya na magsara ito.

“I am so excited to see the biggest tv network close down,” kontrobersyal na pahayag ni Bondoc na pinalagan ni Angel at sinabing tila natutuwa pa ang singer na marami ang mawawalan ng trabaho kapag nagsara ang TV network.

Sa Facebook post sinabi ni Bondoc na mali umano ang palagay ni Angel at wala naman umanong koneksyon sa “happiness over the termination of employees” ang kaniyang post.

“Why would I be happy for loss of jobs? That is a false assumption. Kayo po ang nag-generalize, hindi ako. When a network (any network) closes, it can mean a change of management or ownership. Ibig po sabihin, deserving employees would probably be retained. Therefore, there is nothing in my post that connotes happiness over the termination of employees, but rather, the termination of the network’s system,” giit ni Bondoc.

Nagpahabol pa ito ng tanong kay Angel na, “If u acknowledge the imperfection of the network, do you have any comments on the acquisition of ownership by its current owners in light of the allegations that it was transferred to them to the disadvantage of the government?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?