178

By

Fajardo, SMB itinakas ang Game 1 vs TNT

Naka-una ang title-holder San Miguel Beermen kontra sa matikas na TNT KaTropa, 80-78, sa Game One ng quarterfinals ng 2019 PBA Philippine Cup, Sabado ng gabi sa MOA Arena, Pasay City.

Sa simula ng laro, ipinakita ng TNT ang kanilang kamandag pagdating sa depensa, nilimitahan ang SMB sa 13 first quarter points kontra sa kanilang 22 markers.

Nanatili naman ang kapit ng mga KaTropa sa kalamangan sa pagtatapos ng halftime, nagbuhos ng pinagsamang limang tres sina Jayson Castro, Troy Rosario at RR Pogoy para iangat ang TNT, 46-39.

Ngunit hindi nagpatinag ang championship poise ng San Miguel, sa dulong quarter ay sinulot ang kalamangan matapos magpakawala ng 8-0 run ang defending champs sa pangunguna ni Terrence Romeo, 68-67.

Simula nang yugtong iyon ay palitan na ng basket ang dalawang koponan, matira matibay.

Pinilit ni Rosario na maiangat ang kanyang koponan hanggang dulo, ngunit biglang humarurot si Fajardo para maitakas ang panalo.

Tumapos si Fajardo ng may 15 points at 10 rebounds, ayuda rin ng 15 markers si Marcio Lassiter.

Para naman sa TNT, nagmalupit si Rosario, kumolekta ng 23 points sahog ang nine rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?