44

By

Fajardo, McCollough sanib-pwersa vs ROS

Matinik ang kombinasyon nina five-time league MVP June Mar Fajardo at dating NBA player Chris McCollough, nagtulong upang bitbitin ang San Miguel Beer sa 89-87 win kontra Rain or Shine Elasto Painters sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Xavier University Gym, Cagayan De Oro.

Ibinuhos ni Fajardo ang anim sa kanyang kabuuang 23 puntos sa laro habang lima naman kabilang ang isang tres sa 24 puntos ni McCollough ang iniambag sa natitirang 3:58 minuto ng huling yugto upang itulak ang Beermen sa ikatlong sunod na panalo at kabuuang 5-5 kartada.

Nagtala si Mccullough ng 24 puntos, 17 rebounds, 4 assists, 1 steal at 6 blocks habang si Fajardo ay may 23 puntos, 15 rebounds, 1 assist at 3 blocks.

Huling naging dikit ang labanan sa 84-82 sa 2:16 ng ikaapat at huling yugto bago nagawang ipasok ni McCollough ang isang tres na sinundan ng jumper ni Fajardo na nagbigay ng pitong puntos na abante sa Beermen 89-82, may 1:08 na lang sa laro.

Nagawa pang dumikit ng Rain or Shine sa 89-87 at nakuha pa ang bola sa natitirang 0.5 segundo ng laro bago na lamang sumablay si Beau Belga sa isang tres upang mahulog ang Elasto Painters sa 5-6 record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?