2,281

By

Faeldon pwedeng sibakin! Pagpapalaya sa 4 Chinese drug lords sampal sa war on drugs – Inday Sara

MANILA – Dismayado si Davao City Mayor Sara Duterte dahil sa napabalitang pagpapalaya ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon sa apat na high-profile convicted Chinese drug lords.

Ayon kay Duterte, maituturing na sampal sa war on drugs ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte matapos palayain ng BuCor sa ilalim ni Faeldon ang mga kilalang drug pusher na sila Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, at Wu Hing Sum.

Ang mga nasabing convicted Chinese nationals ay kabilang sa 48 drug personalities na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) provision na nakapaloob sa Revised Penal Code sa ilalim ng Republic Act No. 10592.

“Yes, of course (that’s a major blow in the campaign against illegal drugs),” saad ni Duterte.

Pwede umanong sibakin ng Palasyo si Faeldon ayon sa anak ng Pangulo kung mapapatunayan na walang basehan ang kanyang pagpapalaya sa mga nasabing inmates na nakulong dahil sa mga karumaldumal na krimen, gaya ng murder at pagkakasangkot sa iligal na droga.

“I think the Office of the President should ask him to explain and then exercise the power to review. Thereafter, they can fire or ask him to resign if they think he had no basis in law for all the releases made,” saad ni Duterte.

Giit ng Presidential daughter, hindi dapat mapabilang ang mga killer, rapist at iba pang convicted dahil sa heinous crime sa mga makikinabang sa GCTA dahil sa bigat ng mga pagkakasalang kanilang nagawa.

“GCTA should exclude heinous crimes mainly on the basis of the unspeakable evil of the crime they committed,” saad ni Duterte.

Ayon pa sa alkalde, dapat umanong pagbayarin ang mga nahatulan dahil heinous crime ang kanilang mga atraso, lalo pa at panghabang-buhay nang dala ng kanilang mga naagrabyado ang sakit dahil sa kanilang nagawang krimen.

“They may reform inside the prison but they should be made to pay for life of the depravity of the crime they have committed. That is the price they pay.”

Una nang ibinuking ni Puwersa ng Bayaning Atleta Party-list Cong. Jericho Nograles na umabot sa 816 heinous crime convict ang nakalabas ng New Bilibid Prisons sapul ng umupong hepe ng BuCor si Faeldon noong Nobyembre 2018.

Hirit pa ng alkalde, dapat lamang na bitayin ang mga convicted inmates na nahatulan dahil sa heinous crimes kung siya ang tatanungin.

“No point in using government money in keeping them alive. An eye for an eye, a tooth for a tooth for heinous crimes convicts is reasonable,” saad ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?