40

By

Factory ng mga baril ng BIFF, nakubkob ng militar

Nakubkob ng militar ang gun repair shop at factory ng mga baril ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang nagsisilbi ng arrest warrant sa isang wanted sa General SK Pendatun, Maguindanao noong Hunyo 11.

Ayon sa report, nadiskubre ang gun factory sa Barangay Madconding kung saan ihahain sana kay Sukarno Buka, sub-leader ng BIFF, ang arrest warrant sa kaso niyang attempted murder.

Nagawang makatakas ni Buka bago pa makarating sa lugar ang tropa ng gobyerno.

Itinuro umano si Buka ng mga sibilyan at village official na gumagawa ng mga baril para sa BIFF at sangkot din sa illegal drug activities sa General SK Pendatun.

Nakumpiska ng militar ang ilang hindi pa tapos na mga baril, equipment at bala sa factory.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?