62

By

Facebook users hinikayat magpalit ng password

Iginiit ng social media company Facebook sa kanilang mga user na magpalit ng kanilang mga password matapos madiskubre na milyon-milyong account passwords ang nailagay sa readable format.

Ayon kay Facebook vice president for engineering, security and privacy Pedro Canahuati, bilang bahagi ng kanilang routine security review noong Enero, nakita nilang ilang user passwords ang nai-store sa readable format sa kanilang internal data storage systems.

Ikinagulat umano nila ito dahil ang login systems nila ay dinisenyo na hindi mababasa ang passwords.

Nilinaw naman ni Canahuati na hindi kailanman ito mababasa ng kahit sinuman sa labas ng kanilang kumpanya.

Dagdag pa niya, naayos na umano nila ang naturang isyu at bilang pag-iingat na rin ay ino-notify nila ang lahat ng user na ang password ay na-store nang readable.

Sa kabila nito, hinikayat niya ang mga Facebook user na para masiguro ang seguridad ng kanilang FB account ay magpalit ng kanilang mga password.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?