37

By

Facebook maghihigpit sa livestreaming

Inanunsiyo ng Facebook na maghihigpit sila sa kanilang livestreaming feature dahil sa “Christchurch Call” nina New Zealand’s premier Jacinda Ardern at French leader Emmanuel Macron.

Tatalakayin umano sa “Christchurch Call” ang pagkalat ng extremism online.

Under pressure na si Facebook boss Mark Zuckerberg mula pa noong Marso nang gamitin ng isang white supremacist gunman ang Facebook para ipalabas ang pang-aatake sa siyudad ng New Zealand na Christchurch, na kumitil sa may 51 katao.

“Following the horrific recent terrorist attacks in New Zealand, we’ve been reviewing what more we can do to limit our services from being used to cause harm or spread hate,” saad ni Facebook vice-president of integrity Guy Rosen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?