87
Eya gumagawa ng sariling ingay
By

Eya gumagawa ng sariling ingay

Isang pasabog ang unang sabak ni UST Lady Tigresses rookie sensation Eya Laure sa ongoing finals ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament bilang katuwang ni Most Valuable Player Sisi Rondina.

Pakay ng Golden Tigresses na makuha ang unang titulo matapos huling magkampeon noong Season 72.

Nauna nang maging matunog ang pangalan ng 19-year old volleybelle bilang nakababatang kapatid ng nakaliban na si UST na si outside hitter EJ Laure.

Sa maikling panahon lamang ay unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan ang nakababatang Laure dahil sa ipinamalas nitong stellar performance ngayong season upang tanghaling Rookie of the year tulad ng kanyang Ate na tumangap din ng kaparehong parangal noong Season 77.

Patunay na nanalaytay sa pamilyang Laure ang pagiging isang magaling na atleta kung saan matatandaang isang tanyag na PBA player ang kanilang ama na si Eddie Laure habang ang bunso naman nilang kapatid ay miyembro ng NU basketball team.

“Siyempre ‘yun naman talaga ang gusto ko, makilala bilang si Eya pero apart from that hindi naman mawawala na Laure ako kasi ‘yun naman nasimulan ng daddy ko,” sabi ni Laure.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?