201
koko-pimentel-1
By

Extension ng water deal puwedeng balewalain – Pimentel

Dapat umanong dedmahin na lang ng administrasyong Duterte ang pagpapalawig ng concessionaire agreement ng Maynilad at Manila Water hanggang 2037 at tapusin na lang kontrata ng mga ito hanggang 2020.

Ito ang sinabi ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III dahil nangyari naman ang concessionaire agreement sa dalawang kumpanya noong 2009 sa panahon ng administrasyong Arroyo.

“Ang original lifetime ng contract ay 2022, sa gitna nun nag-agree na i-extend from 2022 to 2037. Pero para sa akin ‘yung agreement to extend ay hindi pa effective kasi nga hindi pa naman nag-i-expire,” pahayag ni Pimentel sa panayam nitong Lunes.

“So sa akin puwede i-disregard ‘yun ng Duterte administration kasi pinasok ‘yun ng ibang administration e. At pinasok sa gitna ng original lifetime. Meron bang nag-e-extend sa gitna ng original lifetime ng kontrata,” dagdag pa nito.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Pimentel na dapat pa ring tapusin ang agreement at simulan na ang proseso ng paghahanap ng bagong water concessionaire.

“Ngayon 2019 na, irespeto na lang ang original kontrata hanggang 2022. Simulan na rin ang pagpili ng concessionaire, ilabas na lahat ang pagka-istrikto nung mamimili na talagang ito na ang aming mga parameters, dapat kaya mong ibigay ito bago ka maging concessionaire,” sabi ni Pimentel.

Maaari naman aniyang kanselahin ng gobyerno ang kontrata subalit magreresulta ito sa paghahain ng kaso sa korte.

“Ipawalang-bisa mo pero ‘yung kaso abot ng 2022, sabihin na lang na abot ng 2022 tapusin na ito,” ani Pimentel.

“Maghanap na ng bagong concessionaire kung hindi tayo masaya sa present concessionaire. Anyway, sa present contract may mga penalty, kunwari hindi ka makabigay ng tubig ng 24 hours, 7 days a week, penalty; quality ng tubig, may penalty. Impose natin lahat ‘yun,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?