205

Apr 6, 2020 @ 7:45
By

Extension ng lockdown pagdedesisyunan na

Sabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ngayong Lunes, Abril 6, tatakdaan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung palalawigin pa o hindi ang umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

“Opo, kasama ‘yan sa pag-uusapan namin para makagawa na kami ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte, dahil ultimately si Pangulong Duterte naman ang magdedesisyon,” wika kahapon ni Nograles sa dzBB.

Sambit ito ng kalihim nang matanong ukol sa sinabi ni National Task Force (NTF) COVID-19 chief implementor Secretary Carlito Galvez Jr. na dagdag-15 hanggang 20 araw na bisa ng lockdown.

Ang kanilang magiging desisyon, ani Nograles, ay ibabatay sa scientific data, kabilang na ang “epidemiological trend, health capacity system, and social, economic, and security concerns.”

Epektibo ang ECQ hanggang hatinggabi ng Abril 13.

As of April 5, nakapagtala na ng 3,246 COVID-19 case sa ‘Pinas, kabilang ang 152 pagkamatay at 64 recovery.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?