123

Feb 26, 2020 @ 18:27
By

Extension ng ABS-CBN franchise ni Drilon, may halong politika – Go

May halo umabong politika ang paghain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ng concurrent resolution para sa patuloy na operasyon ng ABS-CBN habang nakabinbin ang franchise renewal bill nito sa 18th Congress, ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

Sa naturang resolusyon, pinagkakaitan aniya si Pangulong Rodrigo Duterte ng kapangyarihan na maaprubahan o i-veto ang franchise renewal ng network.

“‘Yung resolution ni Sen. Drilon nahahaluan kasi ‘yun ng politika, bakit po natin ide-deprive sa Presidente ‘yung power to approve or veto. Siya po ang presidente ng bansa, authority niya ‘yun at karapatan n’yang aprubahan o i-veto ang franchise bill,” sabi ni Go sa panayam.

“Bakit 2022, dahil tapos na po ang termino ni Pangulong Duterte? Sinasadya naman ‘yun at may halong…’yun siguro ang tinutukoy ni House Speaker (Alan Peter) Cayetano, talagang siya lang ang pogi dun,” dagdag nito.

Mas susuportahan pa aniya niya ang panukala na inihain ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na naglalayong i-extend ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang katapusan ng taong ito.

“To give more time sa Kongreso kung ‘yun talaga ang kailangan, ako I will support hanggang katapusan ng taon kung wala silang panahon para sa pagdinig…sasang-ayon ako sa (bill) ni Revilla,” ani Go.

Samantala, mariing pinabulaan ni Drilon na may politika sa paghahain ng concurrent resolution.

“I regret the statement of Senator Bong Go. Being a neophyte senator, he may not be aware of our tradition and our rules. Precisely, a concurrent resolution does not go through the President because it has no force and effect of a law. It is just a sense of the Senate. There is no politics here,” paliwanag ni Drilon.

“We are not depriving the President of the right to veto or approve. The right to veto or approve is in the joint resolution (SJR 11) that I filed, which has the force and effect of a law and which is also filed in the House of Representatives,” sambit pa nito.

Sa concurrent resolution 6, sinabi ni Drilon na kinakailangan ng Senado at Kamara na dagdag na panahon para talakayin ang franchise renewal ng network.

May walong sesyon na lang ang natitira bago magsara ang Kongreso simula Marso at magpapatuloy hanggang May 4, ang araw na mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Both the Senate and the House of Representatives need additional time to review and determine whether or not ABS-CBN Corporation shall be granted the renewal of its franchise,” ani Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?