32

By

Ex-wife ni Jeremy Renner, humiling ng sole custody sa anak

Naghain ng petisyon sa korte ang dating asawa ni Avengers star Jeremy Renner para sa full custody ng kanilang anak na babae.

Batay sa RadarOnline.com report, gusto umano ni Sonni Pacheco na supervised visits lang ang ipagkaloob sa aktor.

September 10, 2019 nag-file ng mga dokumento si Sonni sa Los Angeles Superior Court kung saan hiniling niya na baguhin ng judge ang kanilang custody order para sa anak na si Ava, 6.

Rason ni Sonni, nalagay sa panganib ang anak nila noon dahil sa koleksyon ng mga baril ni Jeremy.

Isa sa mga baril umano ni Jeremy ang nakakalat noon pero depensa ng aktor, lagi namang naka-lock ang mga ito.

Unang napagkasunduan ng dating mag-asawa para sa kanilang anak ay shared custody.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?