40
5 tulak timbog sa apartelle sa QC
By

Ex-vice mayor na lider ng kidnap for ransom, timbog sa raid

Arestado ang dating vice mayor ng bayan ng Kabuntalan, Maguindanao sa isinagawang joint operation ng pinagsanib na puwersa ng pulisya, Miyerkoles ng hapon sa Barangay Balabaran Tamontaka, Cotabato City.

Nadakip ang suspek na si Nasser Gumbila Uko o Nasser Haji Ali, na isa umano sa lider ng notoryus na kidnap for ransom group sa ilalim ng Datukan Usman KFRG.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-tres ng hapon ng Agosto 21 nang magsagawa ng search warrant ang mga tauhan ng AKG, Criminal Investigation and Detection Group at Maritime Group laban kay Uko sa bahay nito sa Barangay Balabaran.

Nakuha sa suspek ang isang 9mm glock pistol, mga bala nito at iba’t ibang identification cards.

Ayon naman kay Police Col. Elmer Cereno, tagapagsalita ng PNP-AKG, ang grupo ng naarestong suspek ay remnant ng kinatatakutang Mubarak KFRG na siyang responsable sa mga kidnapping sa central Mindanao noong 1990.

Ang kanilang mga biktima ay negosyanteng Filipino-Chinese.

Sa ngayon ay nakakulong sa CIDG Cotabato City ang suspek habang isinampa na ang kaukulang kaso laban dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?