40

By

Ex-Senator Jinggoy nag-sideline bilang MBPL coach

Kung dati ay mga mambabatas ang mga nakakasama ni Jinggoy Estrada sa kanyang linya ng trabaho, ngayon ay mga basketbolista na ang madalas kaharap ng dating senador.

Sa naging laro ng San Juan Knights kontra Basilan Steel sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) noong nakaraang linggo, nakita sa sidelines si Jinggoy hindi bilang co-team owner, kundi bilang acting coach.

Sa panayam ng Fox Sports Philippines kay Estrada, kinailangan umano niyang mag-coach nang pansamantala dahil may ibang commitment ang head coach ng tropa na si Randy Alcantara, gayundin ang deputy mentor na si Yong Garcia.

“Kasi may laro sila (Alcantara) kanina, I was here to help. Tutal nakakaintindi naman tayo ng basketball kahit papaano,” saad ni Jinggoy.

At sa unang coaching gig ng dating mambabatas, nakubra agad nito ang panalo, 89-86.

“I think first acting-coach win ko ito.”

Sa panalo, naiangat niya sa 12-1 record ng San Juan, sapat para sa top spot at mapatibay ang tsansang madepensa ang kanilang korona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?