55

By

Ex-president Noynoy nagtungo sa ospital para sa ‘routine procedure’

Nasa Makati Medical Center si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nitong Lunes para sa naka-iskedyul niyang checkup.

Paglilinaw ito ng tagapagsalita ni Aquino na si lawyer Abigail Valte sa ulat sa radyo na nasa ospital ang dating pangulo para sa heart procedure.

“Former President Noynoy Aquino is at the Makati Medical Center for a scheduled check up and a routine procedure. While he is currently under observation, I was able to speak to him and apprise him of what is being reported in media,” ani Valte.

“Nagbiro pa na baka daw kaya heart procedure ang balita kasi heartbroken siya. He’s alright and in high spirits, and thanks everyone for their concern,” dagdag pa ng tagapagsalita.

Magugunitang noong Agosto nitong taon, sinabi ng kapatid ni Noynoy na si Kris na hindi nakasama ang kanyang kuya sa pagbisita sa puntod ng kanilang amang si dating senador Ninoy sa death anniversary dahil hindi ito okay.

Tinanggi naman ng 59-anyos na si Noynoy na hindi siya okay at may trangkaso lang siya kaya hindi nakasama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?