2,243
cardona
By

Ex-PBA player Mark Cardona arestado matapos saksakin ang ka-live-in

Dinakip ng mga pulis si dating Philippine Basketball Association (PBA) player Mark Cardona matapos nitong saksakin ang kanyang kinakasama.

Ayon sa ulat, dinala ni Cardona ang live-in partner na si Bianca Nicole Jackes sa Makati Medical Center matapos nitong saksakin sa kaliwang braso.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa sa loob ng kanilang condo unit sa Malugay St., Barangay San Antonio, Makati City dakong alas-5:30 ng umaga at dito nasaksak ni Cardona si Jackes.

Noong 2016 nang mabalita na sinasaktan ni Cardona ang kanyang kinakasama kung saan nagtangka na ring magpakamatay ang basketbolista sa pamamagitan ng drug overdosed.

Nitong Pebrero 2018 naman ay inireklamo si Cardona sa Pasay Prosecutor’s Office dahil sa pagbebenta ng SUV na hindi siya ang nagmamay-ari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?