1,166

By

Ex-Pangasinan Rep. Espino tinambangan, mga bodyguard patay

Patay ang lahat ng bodyguard ni ex-Pangasinan Rep. Amado Espino, Jr., matapos nilang gawing panangga ang sarili para protektahan ang dating kongresista sa ambush, ayon kay Senador at Red Cross chairman Richard Gordon.

Sa tweet ni Gordon, kasalukuyan umanong nakikipaglaban para sa kanyang buhay sa isang ospital sa Pangasinan si Espino matapos ang ambush pero namatay ang mga bodyguard nito.

“All five of his bodyguards heroically shielded Espino with their bodies and they all perished,” dagdag ni Gordon.

Sa inisyal na mga ulat, sakay umano ang mga biktima ng Toyota Inova van at walang back-up nang ratratin ng mga gunman sa Barangay Magtaking, San Carlos City nitong Miyerkoles ng hapon.

Samantala, inihayag ng Pangasinan police na nasa ICU ang dating kongresista at gobernador pero stable umano ang kondisyon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?