43

By

Ex-PAF sergeant dakma sa droga

Naaresto sa checkpoint ang isang dating sarhento ng Philippine Air Force (PAF) matapos itong makuhanan ng shabu sa Barangay Subangdaku, Mandaue City nitong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Randolph Garcia, 38, residente ng Labangon, Cebu City.

Nakumpiska sa kanya ang droga na nagkakahalaga ng P34,000.

Sinabi ni Garcia na isa siyang staff sergeant ng PAF at nag-AWOL o absent without official leave nitong taon lang matapos umano siyang kasuhan ng kanyang misis na hindi nito tinukoy kung ano.

Kabilang si Garcia sa anim na katao dahil sa possession of illegal drugs sa checkpoint sa Logarta Street noong Nobyembre 9.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?