339
Ex-OMB chair Ronnie Ricketts pinaaaresto na sa kasong graft
By

Ex-OMB chair Ronnie Ricketts pinaaaresto na sa kasong graft

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay dating Optical Media Board (OMB) chairman Ronnie Ricketts para sa kaso nitong katiwalian.

Nahaharap sa pagkakakulong ng anim hanggang walong taon si Ricketts.

Nag-ugat ang kasong katiwalian ng action star dahil sa maling pamamahala sa mga nakumpiskang DVDs at VCDs mula sa Sky High Marketing Corporation noong 2010.

Inawtorisahan umano niya kasama ng tatlo pang opisyal ng OMB ang paglalabas sa nakumpiskang mga item ilang oras matapos itong masabat.

Bigo rin umanong magsampa ng kaukulang kaso laban sa nabanggit na kumpanya si Ricketts.

Noong 2015 naglagak ng piyansa si Ricketts at nag-plead ng not guilty sa kaso niyang graft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?