102
Ex-NBA player Telfair naiyak matapos hatulang makulong ng 3 taon
By

Ex-NBA player Telfair naiyak matapos hatulang makulong ng 3 taon

Naiyak at nakiusap ang isang dating NBA player matapos siyang hatulang makulong ng tatlo’t kalahating taon ng New York judicial court dahil sa gun possession.

Nang ibaba ang hatol kay Telfair, nakiusap siyang huwag ilayo sa komunidad lalo na’t hinihintay umano niyang magkaroon ng menstruation ang kanyang anak.

“Please don’t take me from society right now. I am 34. I can go play in China for six years and take care of my family. I’m waiting for my daughter right now to get her period. Real mental illness because I wasn’t around … She hasn’t even gotten her period yet,” giit ni Telfair sa New York Post.

Taong 2017, nagmamaneho si Telfair ng kanyang Ford F-150 pickup truck nang parahin siya dahil sa “driving without his lights on and parking on a median”.

Nakita umano ng mga pulis ang tatlong loaded handguns, isang submachine gun, bala, extended magazines at isang ballistic vest sa kanyang sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?