52
Babaeng escort timbog sa panghuhuthot sa banyaga
By

Ex-Navy officer arestado sa Pasig buy-bust

Timbog sa ikinasang buy-bust operation ang isang dating Navy officer at kasabwat na driver matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga kagabi sa Barangay Bambang, Pasig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Adonis Alipao, 48, ex-Navy officer, at Dean Natividad, 48, driver.

Batay sa report ni Insp. Alan Miparanum, hepe ng District Drug Enforcement Unit, isinagawa ang buy-bust operation sa bahay ng mga suspek sa Barangay Bambang bandang alas-10:30 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na sachet na naglalaman ng shabu at P300.00 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong sina Alipao ar Natividad sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?