357

By

Ex-Manila Mayor Lim, nakaligtas sa sunog sa Legaspi Towers

Maayos umano ang kalagayan ni dating Manila Mayor Alfredo Lim matapos ang nangyaring sunog sa tinitirhan niyang Legaspi Towers sa Roxas Boulevard sa Maynila nitong Sabado.

Ayon kay Brgy. 719 Chairman Jaime Adriano sa panayam ni DZBB reporter Luisito Santos, nakalabas si Lim sa nasabing gusali bandang alas-sais ng gabi kung saan makapal na umano ang usok.

Umabot sa ikaapat na alarma ang naturang sunog na nagsimula ng alas-5:48 ng hapon, Enero 11 at nakontrol ganap na 7:40 ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?