44

By

Ex-guard patay sa riding in tandem

Patay ang dating security guard matapos barilin ng dalawang armadong lalake sa loob ng kanyang bakuran sa Barangay Alasasin sa Mariveles, Bataan noong Lunes.

Ang biktima ay kinilalang si Leonardo Roque, 49, may asawa at residente ng Verapaz Homes Subdivision.

Ayon sa asawa ni Roque, wala umano siyang alam na nakaalitan nito. Sinabi naman ng mga nakasaksi noong gabi bago ang pagpatay na may nakita silang dalawang lalake na umaaligid sa kanilang bakuran.

Dagdag ng nakasaksi, ang mga suspek ay nakasuot ng itim na helmet, naka-como jacket at parehong nakamaong pants na biglang nilapitan ang biktima, binaril nang maraming beses, saka mabilis na lumayo sakay ng motorsiklo.

Samantala, narekober ng awtoridad ang pitong basyo ng bala sa crime scene at kasalukuyang nagsasagawa ang mga ito ng imbestigasyon sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?