106
Ex-Globetrotter Shaw kandado ng 3 taon sa Blackwater
By

Ex-Globetrotter Shaw kandado ng 3 taon sa Blackwater

Sa edad na 34-anyos, malalasap ni Maurice Shaw ang kanyang unang aksyon sa PBA.

Ito’y matapos na papirmahin siya ng three-year contract ng Blackwater matapos siyang sungkitin bilang 2nd overall pick sa 2019 PBA regular draft.

Magiging magandang addition para sa Elite si Shaw, na tinuturing na pinakamatangkad ngayong draft class sa taas na 6-foot-9.

Samantala, handa rin ang Elite na papirmahin ang iba pa nilang draftee bilang paghahanda sa rebuilding sa susunod na season.

Kanilang ikaklaro sa PBA management kung pupwede nang i-sign ang kanilang ibang draftee tulad ni Richard Escoto at Chris Bitoon na kasalukyang nakapirma pa sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Naglalaro si Escoto para sa Iloilo United Royals habang salang naman si Bitoon para sa Manila Metrostars.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?