439

By

Ex-GF nagpasaring kay James Reid: Karma is a bitch

Tila may buwelta ang ex-girlfriend ni James Reid na si Erika Villongco sa hiwalayan nina Nadine Lustre at James.

Marami kasing nagme-message sa kanya hinggil sa komento niya sa hiwalayan ng ex-couple.

Ang kanyang sagot ay ibinahagi niya sa Instagram story.

“This is me letting the news speak for itself.” “Karma is a bitch,” saad ng caption kalakip ng reaction meme ni Kylie Jenner.

Ang IG story ay binura niya kalaunan at humingi ng tawad sa pagiging insensitive.

Sey niya, “deleted my post bec i realized it was a bad joke. I’m sorry for letting the impulsive aries get the best of me. This rilly isn’t any of my business & it is never ok to be mean to ppl.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?