806
Pagpapatayo ng mga evacuation center, aprubado na ni Duterte
By

Ex-cop Acierto: 2 Chinese na nakasama ni Duterte, sangkot sa droga

Lumutang ang isang nasibak na pulis para ibunyag ang nalalaman niya hinggil sa economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang.

Ani dating Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drugs Group OIC Sr. Supt. Eduardo Acierto, nagdesisyon siyang magtago simula Oktubre 2018 dahil sa natatanggap niyang mga death threat matapos niyang magpadala ng intelligence report sa Malacañang at sa PNP hinggil kay Yang na sangkot umano sa illegal drug trade.

Aniya, binalaan niya ang Pangulo hinggil sa palagi nitong kasama na dalawang Chinese na sangkot umano sa iligal na droga pero tila binalewala lang ng una at ni dating PNP chief Ronald dela Rosa ang kanyang intel report tungkol kay Yang at sa isa pang Chinese na si Allan Lim.

“In my investigation, I discovered that our president … is often accompanied by two people deeply involved in illegal drugs. What popped into my mind at the time was maybe the president isn’t aware that these are suspected drug lords,” ani Acierto.

Pinabulaanan naman ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino ang paratang ni Acierto.

Aniya, natanggap niya ang intelligence report ni Acierto hinggil dito at ipinadala niya ito sa opisina ng Pangulo.

Binirepika umano ito ng Pangulo at maging ng kanyang ahensiya at lumabas na isa sa dalawang Chinese na tinukoy ng dating pulis ay hindi nahaharap sa anumang kaso na may kaugnayan sa iligal na droga sa bansa.

“It’s wrong to say that there was no action taken because it was acted upon. He played down the significance of the photographs showing Duterte with the two Chinese men, saying officials often get approached by all sorts of people for group photographs without being able to rapidly check their background. I get to be asked for selfie shots and I wouldn’t know that the one I’m being photographed with is a drug lord,” ani Aquino.

Dagdag pa ni Aquino, hindi umano credible si Acierto dahil nasibak ito sa pagkakaugnay sa drug smuggling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?