36

By

Ex-con tinumba sa Navotas

Patay ang dating bilanggo matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek malapit sa kanyang bahay sa Navotas City, Lunes ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rafael Dela Cruz, 30, residente ng Barangay Tangos North.

Batay sa report na nakalap mula kay Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas, naganap ang insidente alas-siyete ng umaga (Agosto 13) habang nakikipag-usap ang biktima sa isang bystander malapit sa kanilang bahay nang sumulpot ang nag-iisang gunman at walang sabi-sabing pinagbabaril sa katawan si Dela Cruz bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

Nabatid na nakulong umano ang biktima noong 2015 sa kasong grave threat at three counts of theft, at noong 2016 ay sa kasong iligal na droga.

Narekober ng pulis sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at isang deformed slug mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril habang patuloy naman ang follow-up investigation ng pulisya sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?