199

Mar 26, 2020 @ 11:25
By

Eww! Angel nandiri kay Koko

Tila hindi maisip ng aktres na si Angel Locsin na kanyang kinampanya dati si Senador Koko Pimentel.

Umaani kasi ng sangkaterbang batikos ang mambabatas matapos na magpunta sa Makati Medical Center para samahan ang kanyang asawa na manganganak.

Ito’y kahit pa nakakaramdam na ito ng sintomas ng COVID-19, at sa mismong ospital ay nalaman nitong positibo siya dito.

Sa Twitter, sumulpot ang screenshot kung saan makikitang kasama ni Locsin si Pimentel noong tumakbo ito sa pagka-Senador.

Tanging ‘Eww’ lamang ang nasagot ni Angel, patunay na pinagsisisihan niya ang pagkampanya dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?