144

By

Evan Nelle pipiratahin ng DLSU

Matapos ni Dave Ildefonso na sasapi sa Ateneo, posibleng isa bang malaking isda ang maglilipat-bakuran.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi lang koponan kundi collegiate league ang tatalunan ng isang promising player mula San Beda.

Saad sa ilang report, pinag-iisipan na ng muntikan nang mag-NCAA MVP na si Evan Nelle ang paglipat sa UAAP team na La Salle Green Archers.

Ito’y matapos makapaglaro ng dalawang season para sa Red Lions, kung saan nag-average siya ng 10.2 points, 6.7 assists at 4.5 rebounds noong NCAA Season 95.

Kung sakaling matuloy, sa 2021 pa maaring makapaglaro si Nelle para sa DLSU kapag natapos na ang one-year residency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?